Connect with us

Concept News Central

Kaltas ng isang kooperatiba sa Bulacan, ipinasosoli

Published

on

In hot water ngayon ang isang kooperatiba sa Pandi, Bulacan matapos matuklasan ang maanomalya nitong pagkakaltas sa mga benepisyaryo ng livelihood assistance grant (LAG) nito.

Kaya naman inutos na ng Department of Social Welfare and Development na isoli kaagad kooperatiba ang mga kinaltas na pera sa mga benipisyaryo ng LAG na may kabuuang bilang na 3,500 kung saan tinatayang 1,000 dito ang kinaltasan ng pera para ipasok sa nasabing kooperatiba.

Kamakailan lang ay nagtatag ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), na nuoy pinamumunuan ni Greco Belgica, ng Task Force LAG para imbestigahan ang reklamo ng mga benepisyaryo tungkol sa pagbabawas ng P5,000 hanggang P10,000 mula sa aprubadong P15,000 na ipapamahagi sa ilalim ng programang LAG ng DSWD na kalaunan ay sinundan naman ng pagbuo ng Task Force LAG ng Pamahalaang Bayan ng Pandi.

Sinabi ni PACC officer-in-charge Atty. Yvette Contacto na nagkaroon na ng paghaharap sa kanilang tanggapan ang mga tauhan ng DSWD, Magic 7 Cooperative, mga nagrereklamong benepisyaryo at lokal na opisyal ng Pandi tungkol sa diumano ay maanomalyang pagkaltas ng pera sa ipinamudmod na LAG.

Ayon kay Contacto inamin ni Nick Cabias na kasalukuyan may application ang Magic 7 Cooperative sa Cooperative Development Authority (CDA) ng kaltasan nito ng pera ang mga benipisyaryo ng LAG Sa Pandi.

Nilinaw naman ng DSWD sa PACC na ang pagrelease ng pondo ng LAG ay indibidwal ang bigayan at hindi sa grupo, paliwanag pa ni Contacto.

Hindi pa nga lang makumpirma ng PACC kung naibalik na ng kooperatiba ang kinaltas na pera sa mga nasabing benipisyaryo na tinatayang aabot sa halagang P6.9 na milyon.

Ayon pa kay Contacto maluwag nilang tinatanggap ang pagbuo ng Pamahalaang Bayan ng Pandi ang itinatag nitong sariling Task Force LAG.

Sinabi pa Contacto na tinututukan rin nila ang diumano ay “midnight payout” ng social amelioration program (SAP) ng gobyerno sa bayan ng Pandi.

Ipinaliwanag pa nito na inaasahan na matatapos ang imbestigasyon ng PACC sa usaping LAG at SAP sa bayan ng Pandi bago matapos itong buwan ng Oktubre dahil ayaw nila ito maging election issue sa bayan ng Pandi.

Magandang balita naman po tayo, mga ka high-breaker. Kahanga-hanga ang ginawang pagtulong ang mga kapulisan ng Pasig kung saan tulong-tulong nilang itayo ang bahay ng isang person with disability sa lungsod.

Kanilang tinulungan ang ang isang nanay na isang bikitima ng multiple cardiovascular malfunction na nakatira sa barong-barong na bahay gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy na nilagyan lang ng tolda sa Sibol Compound, Barangay Pinagbuhatan.

Katuwang ng mga kapulisan ang mga pribadong indibiduwal, kaibigan mula sa media at iba pang sektor para tustusan ang mga materyales na kailangan sa pagpapagtayo ng maayos na tirahan ang pamilya ni Nanay Salvacion.

Binigyan din nila si Nanay Salvacion ng konting halaga para pantustos sa kanyang mga pangangailangan tulad ng gamot at pagkain. At dahil dyan, saludo ako sa inyo Pasig PNP!

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement