Connect with us

Concept News Central

Bea Alonzo at Jodi Sta. Maria gustong makapareha ni Paolo Marcoleta

Published

on

Pipiliin ng new movie actor of the year awardee na si Paolo Marcoleta na maging leading lady alinman kina Bea Alonzo o Jodi Sta. Maria kung magiging bida siya sa isang pelikula at mabibigyan ng pagkakataong mamili ng kanyang makakapareha.

“Pansinin kaya ako ni Bea Alonzo?” pabirong tanong ni Paolo. “Si Bea kasi respectable siya at magaling na artista. So, si Bea or si Jodi Sta. Maria na magaling din na aktres.”

Inspirado si Paolo na ituloy ang pag-arte at pagsu-showbiz lalo na nga matapos siyang mabigyan ng parangal bilang New Movie Actor of the Year sa ginanap na virtual awarding kamakailan ng 36th Star Awards for Movies na inorganisa ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Nanalo si Paolo sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “Guerrero Dos, Tuloy Ang Laban” ng EBC Films. Naka-tie niya sa award si David Licauco.

Ito ang unang acting award ni Paolo, na anak ni House Deputy Speaker at Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta.

Ayon kay Paolo, para siyang isang “late bloomer” sa pag-arte, bagama’t nagkaroon na siya ng karanasan sa pag-arte sa school activities noong siya ay high school pa sa New Era University.

Kalaunan ay kumuha siya ng Public Administration sa UP Diliman, at ngayon ay nagtatrabaho bilang chief of staff sa opisina ni Rep. Marcoleta.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Paolo sa PMPC sa pagkaloob sa kanya ng award sa unang pagsabak niya sa paggawa ng pelikula. Thankful din siya sa Eagle Broadcasting Corporation, EBC Films at kay Guerrero Dos director Carlo Ortega Cuevas sa pagbigay sa kanya ng oportunidad na umarte at maging bahagi ng pelikula.

May kasunod na agad siyang pelikula sa EBC Films, ang Jukebox King: The Life Story of Victor Wood. Ginampanan niya rito ang role ng sikat na producer at star builder na si Vic del Rosario.

Sabi ni Paolo, malaking karangalan para sa kanya na gampanan si Boss Vic, na isang haligi na sa larangan ng Philippine entertainment.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement