Connect with us

Concept News Central

Sunshine Cruz sinagot ang komentong mukha siyang pera

Published

on

Natawag ang pansin ni Sunshine Cruz ng komento ng isang netizen na nagsasabing “mukhang pera” ang aktres dahil matapos ang magkakasunod na mga proyekto sa ABS-CBN ay tumanggap naman siya ng proyekto sa GMA-7, na tila ba kinukuwestiyon ang loyalty niya.

Nag-promote kasi si Sunshine sa social media ng pagbibidahan niyang two-part episode ng Wish Ko Lang ng GMA-7.

Maraming nag-congratulate kay Sunshine, pero hindi nawala ang bashers at hindi magagandang komento kasama na nga ang mukha siyang pera. May nagkomento pa na makapal ang mukha ng aktres dahil sa pang-iiwan sa ABS-CBN at umano’y hindi pagtapos ng kontrata bilang Kapamilya.

Kaya naman nagpaliwag na si Sunshine kaugnay rito sa pamamagitan ng post niya sa kanyang Facebook page bilang pagkaklaro. Ipinagdiinan ng aktres na freelancer siya at walang exclusive contract sa anumang TV network.

Ayon sa FB post ni Sunshine, ‘Konting pagkaklaro lang sa ilang mga comments na aking nabasa ngayon.

“I am grateful to both networks for always giving me the opportunity to work for them. Lagi nila akong tinatanggap with open arms at blessing ang work sa akin. I appreciate the inquiries and work being given to me by both Kapamilya and Kapuso

“Even with TV5 nagpapasalamat ako because I will be seen soon bilang guest sa Niña Niño. Hindi ako nagdalawang isip dahil gusto ko ulit maka trabaho si Ms. Maja Salvador na aking naging anak sa Wildflower.

“Isa akong ‘freelance artist o freelancer’ and as a single mom who fends for my 3 princesses, ang magandang oportunidad that’s being offered to me ay aking tatanggapin.

“I am 44 years old pero marami pa akong pangarap at gustong ma-achieve sa buhay. Huwag po sana kayo magalit sa mga katulad naming freelance artist na ang gusto lamang ay magtrabaho ng maayos para sa aming mga pamilya.”

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement