Connect with us

Concept News Central

Maymay Entrata nangabog sa bagong single at music video, celebrities sumuporta

Published

on

Nangabog si Maymay Entrata sa launching ng bago niyang single na “Amakabogera” dahil bukod sa nag-number one ito sa iTunes Philippines ay nag-trending pa ang music video nito.

Dumagsa rin ang mga papuri at pagbati sa social media para kay Maymay.

Ayon nga sa tweet ni Miss Trans Global 2020 @missmelahabijan, “Woke up listening to Maymay’s single ‘Amakabogera’ and I AM LIVINGGGGG! It’s the Pinoy Pop that feeds my soul. Well produced, ganda ng lyrics, at nanggulat si Maymay! The song can be used for swimsuit competition!”

Maging mga celebrity ay sumuporta kay Maymay sa bongga niyang music video na fashionista talaga ang dating niya.

Komento nga ni Iza Calzado sa Instagram post ni Maymay, “I super love this and I super love YOU!!!

Napa-”OMG” naman si Cassy Legaspi.

Ilan pang celebrities na sumuporta kay Maymay sina Charlie Dizon, Kakai Bautista, Valeen Montenegro, Hero Angeles, Kiana Valenciano, Zephanie at iba pa.

Released under Star Pop, ang “Amakabogera” ay follow-up single ni Maymay sa “Di Kawalan” na ni-release noong Mayo.

Samantala, bukod sa bagong single at music video, nakatakda ring pasayahin ni Maymay ang kanyang fans sa digital concert niyang “MPowered.”

Ang concert ay mapapanood exclusively sa KTX.ph sa November 26 with a re-run sa November 27.

Makakasama ni Maymay sa concert sina AC Bonifacio, Darren Espanto, Mimiyuuuh, at Nyoy Volante.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement