Connect with us

Concept News Central

Mass gathering sa Pasko, bawal pa rin

Published

on

Inihayag ng Department of Health (DoH) nitong Sabado na bawal pa rin ang mga mass gathering para sa Halloween at Christmas parties ngayong taon.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaari lang gawin ang selebrasyon kung magkakapamilya ang magtitipon at hangga’t maaari ay nasa open area at iginiit niyang may umiiral pa ring restrictions kung saan dapat doble ingat ang publiko sa “3Cs”, o mga lugar na closed at crowded at hindi maiiwasan ang close contact.

“Kung ’yung mga sinasabi na within the bubble of the family, maaari naman pong gawin. Kailangan lang talaga ’yung safety protocols ay ipatupad. Iyong 3Cs natin, i-recognize natin iyan na iyan po ’yung mga pinakamagbibigay ng impeksyon sa pamilya,” sabi ni Vergeire.

“At kung mayroong may sintomas, huwag na muna po tayong umattend ng mga ganitong party,” dagdag niya.

Aminado naman si Vergeire na malaki ang posibilidad na mas luwagan pa ang mga panuntunan sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 2 sa susunod na buwan dahil sa patuloy na pagbuti ng sitwasyon.

Sabi pa niya, nasa 967 kaso kada araw ang naitatala sa Kamaynilaan sa nakalipas na pitong araw.

“Napakalaki na po ng pagbaba ng mga kaso. Ang atin pong mga ospital ay medyo na-decongest na,” saad ni Vergeire. “Generally, bumaba na po ang utilization natin sa mga ospital. So, hopefully by November, we can be able to deescalate and open up further our economy.”

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement