Connect with us

Concept News Central

Dagdag pondo para sa contact tracers!

Published

on

Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Sabado sa Kongreso na dagdagan ang kanilang pondo upang makakuha ng karagdagang mga contact tracers ng coronavirus disease (COVID-19) sa susunod na taon.

Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na napalawig ang kontrata ng 15,000 contact tracers sa ilalim ng DILG hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

“Pero humihiling kami sa Kongreso na bigyan kami ng budget to increase this up to 25,000 for the year 2022. Na miss out ito sa budgeting. Na-realize naman ng ating mga mambabatas na importante ang contact tracing so humihingi kami ng 25,000 contact tracers sa budget for 2022,” saad ni Densing.

Dagdag niya, bukod sa 15,000 contact tracers, magha-hire pa sila ng dagdag 10,000 sakaling maaprubahan ang hinihinging budget.

“Ang budget na hinihingi namin for the 25,000 for the whole year P6.2 billion. Namiss out ito sa pagbaba-budget for 2022 kaya nga nung nalaman ito ng ating mga mambabatas lalo na sa Senado, naghanap sila ng paraan para mabuo itong P6.2B para sa 25,000 contact traceer for the whole of 2022,” ani Densing.

Samantala, sinabi ni Densing na maaari pang paluwagin ang lockdown restrictions kung sakaling magtuluy-tuloy ang pagbaba nang mga maitatalang kaso ng COVID-19.

Paliwanag niya, ang National Capital Region (NCR) ay nakararanas na ng downward trend ng mga kaso.

“Kung siguro kapag bumaba pa ‘yan ng less than 1,000, baka pwede,” sabi ni Densing. “‘Yung health care utilization rate ng National Capital Region less than 50 percent na lang. ‘Yung ICU bed, less than 60 percent, halos nandoon na siya sa low risk, moderate risk level at ang kadahilanan nito ay ang bakuna.”

“Kaya kung magdidisiplina tayo lahat at hindi na kumalat ‘yung COVID-19 at bakunado tayong lahat, mag-iimprove ang ating health care capacity, baka hindi malayo ang posibilidad na mag-alert level 2,” dagdag niya.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement