Connect with us

Concept News Central

Pagbabakuna sa mga kabataan, umarangkada uli

Published

on

Nagsimulang muli ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 na mayroong comorbidities sa Metro Manila.

Kung sa unang phase ay sa walong pilot hospitals lang ginawa ang pagbabakuna, ang ikalawang bugso ay gagawin sa mga piling ospital at mga pasilidad ng mga lokal na pamahalaan.

Ang Marikina, sa Marikina Sports Center ginawa ang pagbabakuna ng mga bata.

Paliwanag ng local government unit (LGU), mas malaki ang espasyo sa pasilidad kung ikukumpara sa mga ospital sa siyudad kaya nagpasya ang LGU na dito muna gawin ang pagbabakuna sa mga bata.

May medical room dito na pagdadalhan ng mga makakaranas ng side effects. Malapit din ito sa Amang Rodriguez Medical Center na puwedeng pagdalhan ng mga may emergency.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, target nilang magpabakuna ng 326 bata ngayong Biyernes, at limitado lang ito sa mga residente.

Pinapapirma rin ng consent form ang mga magulang at isinasailalim sa orientation, kasama ang bata. Wala ring pilitan kaya’t pinapayagang umuwi ang mga biglaang aatras.

Dagdag niya, kaya nilang bakunahan ang higit 1,000 kada araw at sa oras na nasa full implementation na ang child vaccination program ay gagawin nilang eksklusibo sa pediatric vaccination ang pasilidad.

Samantala, umarangkada na rin ang phase 2 ng COVID-19 child vaccination sa Maynila at ayon kay Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, nasa 100,000 ang mga batang 12-17 ng Maynila.

Aniya, paghahanda na rin ito para sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement