Connect with us

Concept News Central

Kylie Padilla: “Masaya ako and I will protect my happiness.”

Published

on

Inihayag ni Kylie Padilla sa pamamagitan ng kanyang post sa Instagram na okay ang kanyang kalagayan at masaya siya sa piling ng kanyang dalawang anak sa dati niyang asawang si Aljur Abrenica – sina Axl Romeo and Alas Joaquin.

Pinost ni Kylie sa IG ang picture nilang mag-iina kasama ang caption na, “I have all I could ever want already. Para sa lahat ng nag aalala sakin. I’m really ok Masaya ako and I will protect my happiness. No matter what.”

Ito nga ang ibinahagi ni Kylie sa publiko sa kabila nang kinakaharap nilang kontrobersiya sa hiwalayan nila ni Aljur. Lalo pa nga’t naglabas ng statement si Aljur na hinahamon si Kylie na sabihin ang totoo kung sino ang unang nag-cheat at talagang sumira sa pamilya nila.

“Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know,” post ni Aljur.

Humingi naman ng sorry kay Kylie ang rumored girlfriend ngayon ni Aljur na si AJ Raval dahil sa pag-share ng post ni Aljur.

“I’m really sorry sa lahat ng mga naapektuhan. Sa mga nagalit, I’m really sorry. And also kay Kylie, I’m sorry kung shinare ko ‘yung statement na ‘yun. It’s not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself.

“Iyon nga lang, mali ‘yung way ko. Pero na-realize ko rin na baka tama kayo, I’m too immature and I need to grow. I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan at sa lahat po ng nagalit. Pasensya na po at sana mapatawad niyo ako,” sabi ni AJ sa kanyang TikTok selfie video.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement