Connect with us

Concept News Central

KAYO ANG MANANAGOT! – ELEAZAR

Published

on

Nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar nitong Biyernes sa mga magulang ng mga mahuhuling nasa lansangan kahit ibinaba na sa Alert Level 3 ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR). Ayon kay Eleazar, mananagot ang mga magulang ng mga kabataan na mahuhuli sa labas dahil sinabi na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bawal pa ring lumabas ang mga menor de edad kahit nasa Alert Level 3 na ang NCR.

Dagdag niya, pinapayagan lamang ang mga kabataan sa labas ng bahay kung may importanteng pupuntahan gaya nang mga medical check-up.

“Maaaring kayo ang managot kung maabutan sila ng ating kapulisan na pakalat-kalat sa lansangan o kaya’y nasa galaan,” sabi ni Eleazar.

Kung matatandaan, sinabi ng Malacanang na bawal pa ring lumabas ang mga kabataan sa mga parke at malls dahil hindi pa sila nababakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Kasisimula pa lamang ng inoculation para sa mga kabataang may comorbidities na may edad 12 hanggang 17 nitong Oktubre 15.

Ang pahayag ni Eleazar ay kasunod nang mga balitang may mga kabataan nang namataan sa ilang mga public places gaya ng mga leisure parks noong ipatupad ang Alert Level 3 sa NCR.

Nitong Martes, inaprubahan ng Metro Manila Council ang intrazonal at interzonal travel para sa mga menor de edad subalit kailangang kasama ang mga magulang o adult guardians at pinapayagan rin ang mga bata na bumiyahe sa mga private vehicles at mga public utility vehicles.

Pero nilinaw ni MMDA chairman Benhur Abalos na ang intrazonal at interzonal travels ay mayroon pa ring mga reasonable restrictions na base sa edad at comorbidities.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement