Connect with us

Commentary

Takot ng Pinoy sa COVID-19, may basehan

Published

on

NAGLABAS ang Social Weather Stations (SWS) ng survey kung saan lumalabas na 91 porsiyento ng mga Punoy ang nagsabi na nangangamba sila na matamaan ng coronavirus disease (COVID-19) ang miyembro ng kanilang pamilya at ito ay may basehan naman sa harap ng patuloy pa ring banta ng Delta variant.

Base pa sa survey ng SWS na isinagawa noong 12 hanggang 16 ng Setyembre 2021, siyam na porsiyento lamang sa mga respondent ang hindi takot na magpositibo sa COVID-19 ang kanilang mahal sa buhay.

Tumaas ang mga nakararamdam ng takot ng apat na porsiyento kumpara sa naitalang 87 porsiyento noong Hunyo 2021.

Ayon pa sa SWS, magkatulad ang resulta ng survey ngayon Setyembre kumpara sa record-high na naitala rin noong November 2020.

Idinagdag ng SWS na mas takot ang mga Pinoy sa banta ng COVID-19 kumpara sa banta ng Ebola, Swine Flu, Bird Flu, at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Ayon pa sa survey, naniniwala ang mga tinanong na “the worst is yet to come” kaugnay ng krisis sa COVID-19.

Umabot sa 60 porsiyento ngayong Setyembre ang natatakot na hindi pa tapos ang krisis sa COVID-19 kumpara sa 39 porsiyento noong Hunyo 2021.

Nahigitan nito ang naitalang 57 porsiyento noong Hulyo 2020.

Hindi masisisi ang mga Pinoy na matakot sa banta ng COVID-19 dahil kahit mga bakunado ay maaari pa ring tamaan ng virus.

Mahalaga na magpabakuna ang lahat ng miyembro ng pamilya na maaari nang bakunahan para makaiwas sa COVID-19.

Umaasa rin ang lahat na tuloy-tuloy na ang pagbabakuna maging sa general population at mga batang edad 12 hanggang 17 para tuluyang bumalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Pinoy.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement