Connect with us

Concept News Central

Pagkamatay ng bagong silang na sanggol sa Abra, iniimbestigahan ng pulisya

Published

on

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagkamatay ng isang bagong silang na sanggol sa Abra Provincial Hospital (APH) matapos umanong halos matanggal na ang ulo habang iniluluwal ito.

Ito’y matapos mag-viral ang litrato ng sanggol na ipinost ng mga kaanak ng nanay na si Kimberly Cano, ng Barangay Bangbang ag, Bucay, Abra.

Nakalagay ang sanggol sa isang kahon.

Iniimbestigahan na ng Abra Police Provincial Office (PPO), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Abra at Bangued Police ang mga miyembro ng OB-Gyne ng APH.

Ayon sa doktor na tumingin sa nanay, 24 oras na umanong patay sa tiyan ang sanggol bago pa nagtungo ito sa ospital noong 7 Oktubre 2021.

Nanawagan naman si Abra Gov. Joy Valera-Bernos sa APH na tiyakin ang kooperasyon sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

 

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement