Connect with us

Concept News Central

Isko rumesbak kay Leni

Published

on

Rumesbak si Manila Mayor Isko Moreno kay Vice President Leni Robredo kaugnay ng isyu hinggil sa mga Marcoses.

Sinabi ni Moreno na hindi na dapat idamay ni Robredo ang mga Pinoy sa away ng mga Marcos at Aquino.

“Talaga? ‘Yun ang dahilan nya kung bat siya tatakbo, dahil lang sa mga Marcos na naman? Madaming Pilipino nagdidildil ng asin… di malaman ano naghihintay sa kinabukasan, Marcos na naman? Bakit kailangang uminog ang mundo namin ngayon sa away ng Marcos at Aquino?” sabi ni Moreno.

“Sa away ng anak ni Marcos at mga anak at kasama ng yellow-tards? Ay pink na pala sorry? Bakit kami mamumuhay sa away nila?” dagdag ni Moreno.

Ayon pa kay Moreno, hindi rin maaaring manawagan si Robredo ng pagkakaisa.

“Kung kayang mong iwan ang mga kasama mo (sa partido), paano pa kaya kaming 110 million Filipinos?” dagdag ni Moreno, kaugnay ng pagtakbo ni Robredo bilang Independent,

Nauna nang nag-trending sa Twitter ang hashtag na #WithdrawIsko matapos magdeklara si Robredo ng pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

“Matanong ko lang, karapatan ko rin naman tumakbo diba?  Akala ko ba, nagra-rally sila ng demokrasya? Bakit, yung demokrasya ba, sila lang ang may-ari? O yung demokrasya, pinapractice ng isang daang milyon mahigit na Pilipino,” aniya.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement