Connect with us

Concept News Central

ROBREDO, TATAKBONG PANGULO

Published

on

Nagdeklara nang tatakbong pangulo para sa 2022 national elections si Vice President Leni Robredo nitong Huwebes.

“Lalaban ako, lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo sa halalan ng 2022,” sabi ni Robredo.

Inihayag ni Robredo ang kanyang desisyon na tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa isang araw matapos maghain ng certificate of candidacy (CoC) si dating senador Bongbong Marcos, na kakandidato ring pangulo sa May 2022 elections.

Nakalaban at tinalo ni Robredo sa vice presidential race si Marcos noong 2010 elections.

“Tatalunin natin ang luma at bulok na pulitika,” she said.atalunin niya ang “luma at bulok na pulitika,” sabi pa ni Robredo.

Kung matatandaan, inendorso ng opposition coalition na 1Sambayan si Robredo na maging presidential candidate ng grupo.

“Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan natin palayain ang ating sarili mula sa kasalukuyang,” sabi ng bise presidente.

Binatikos niya ang kasalukuyang administrasyon sa mga kinakaharap na problema ng bansa.

“Kung gusto nating tunay na makalaya sa ganitong situwasyon, hindi lang apelyido ng mga nasa poder ang dapat palitan; ‘yung korupsyon, ‘yung incompetence, ‘yung kawalan ng malasakit, kailangang palitan ng matino at mahusay na pamumuno,” giit niya.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement