Connect with us

Concept News Central

Neri Naig-Miranda sagot na ang reception ng na-scam na couple sa Cebu

Published

on

Matapos mabalitaan ang nag-viral na bride na na-scam sa kanyang wedding reception, nagmagandang-loob ang dating aktres at misis ni Chito Miranda, lead vocalist ng Parokya ni Edgar, na si Neri Naig-Miranda na sagutin na ang handaan ng biktimang bagong kasal.

Sa kanyang Instagram post noong Biyernes, sinabi ni Neri na siya na ang bahala sa reception ng mag-asawang ikinasal sa Lungsod ng Cebu.

Nag-viral sa social media ang pag-iyak ng bride at groom nito sa labas ng Jeju Samgyupsal na matatagpuan din sa nasabing lungsod na dahil sa pandemya ay papayagan lamang ang 20 katao na bisita.

Ayon kay Neri, na isa nang matagumpay na negosyante, bilang naging bride din siya ay naintindihan niya ang matinding stress at bigat sa dibdib na naranasan ni Purisima.

Nabiktima ang couple ng kanila mismong wedding coordinator na nakilalang si Naser Fuentes, 33-anyos, na naaresto na rin naman agad matapos na mag-viral ang video ni Purisima.

Nagtangka pa umanong magpatiwakal ang suspek sa Lungsod ng Mandaue noong Huwebes.

Base naman sa post ni Purisima sa Facebook ay nagbayad umano sila ng kanyang mister kay Fuentes ng P65,000 para sa reception at iba pang kailangan sa kanilang wedding ceremony.

Agad nagsumbong sa awtoridad ang dalawa matapos ang insidente at dito na inaresto ng mga tauhan ng Mandaue City Police Office intelligence unit at Basak Police personnel ang suspek, na kasalukuyang nakapiit na sa Basak Police Station detention cell.

Samantala, napagalaman din na isa ring mag-asawa ang nabiktima ng suspek noong taong 2019 na pareho rin istilo ang kanyang ginawa sa panloloko.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement