Connect with us

Concept News Central

Nadine Lustre, bagong Andi Eigenmann?

Published

on

Next Andi Eigenmann na nga ba si Nadine Lustre?

Kasi naman, parang sumusunod na sa yapak ni Andi si Nadine, lalo ngayon na gumagawa ng ingay ang pananatili ni Nadine sa Siargao kung saan ilang beses nang nag-trending ang dalaga.

Kung matatandaan, naging viral ang larawan ni Nadine nang mamataan itong bumibili ng sarsa sa isang tindahan.

Mukhang na-e-enjoy naman ng dalaga ang kaniyang pananatili sa Siargao. Sino ba ang hindi mawiwili sa isla gayong sobrang ganda, simple, at payapa ang mamuhay rito.

Isa pa doon rin naninirahan ang rumored boyfriend nitong si Christopher Bariou, may-ari at co-founder ng online magazine na BE Siargao. Ito rin ang founder at managing director ng isa sa mga luxury resort sa Siargao na Maison Bukana.

At nito lang rin nang mapabalita na pormal nang nagparehistro ang aktres sa Siargao. Nabanggit rin rito ng vlogger at talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang showbiz update vlog.

Marami tuloy sa mga netizens ang nag-iisip kung si Nadine na ba ang bagong Andi Eigenmann dahil mukhang invested na ito sa napakagandang isla.

Matatandaan na gumawa ng ingay si Andi Eigenmann noong talikuran nito ang showbiz pati na rin ang marangyang buhay para manirahan sa probinsya kung saan nakilala nito ang partner na si Philmae Alipayo.

Ngunit mukhang hindi pa handa ang dalaga na iwan ang showbiz career nito lalo na’t nakatakda itong gumawa ng pelikula base sa pahayag ni Vincent del Rosario na presidente at COO ng Viva.

Char!

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement