Connect with us

Concept News Central

Maja, may dream come true

Published

on

Sa wakas ay natupad na ang pangarap ng aktres na si Maja Salvador na makasama sa isang project ang aktor na si Piolo Pascual at kahit hindi ito natupad noong nasa ABS-CBN pa siya, dream come true na sa kanya ito ngayong nasa TV5 na siya.

Napa-oo kasi si Papa P na mag-guest sa teleserye nila ni Noel Comia, Jr. na “Nina Nino” sa TV5 na pumapangalawa sa ratings game sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Nitong Huwebes ng gabi ay pinost ni Maja sa kanyang Instagram account ang teaser ng pagpasok ni Piolo sa “Nina Nino” na kunwari ay nawawala sa bukid.

Ang caption ng aktres, “Ito naaaaa! @piolo_pascual Pangarap ko lang to! Salamat Papa P!!! Next Movie naman please. #NiñaNiñoSaTV5.”

Gagampanan ng aktor ang karakter na Mayor Charles sa lalawigan ng Fuentebella kung saan dadayo siya sa barangay nina Maja na Sta. Ynez.

‘Hindi na PapaPigil pa, PapaPiging na ang Sta. Ynez dahil nandito na si mayor. Abangan si Piolo Pascual sa Nina Nino.’ Ito ang teaser na pinost ng aktres at ng CS Studios, Cignal at Spring Films.

Mahigit sa 200k ang views ng teaser at kulang 300 naman ang nagkomento sa pangunguna ni Jericho Rosales, “klasik ha, ha, haha.

Sumagot naman si Papa P sa post ni Maja, “geym na!!”

“Ayayayay” naman ang post ni @laraquigaman.

Maging ang direktor na si Gino Santos ay nagpadala ng emoji na OK. Isa ang direktor sa mina-manage ng Crown Artist Management nina Maja at boyfriend nitong si Rambo Nunez.

May mga nagsabi ring sana pelikula naman ang susunod na pagsasamahan nina Piolo at Maja na ang tawag sa kanila ay PioDor.

Isa si Piolo sa producer ng Nina Nino bilang isa sa may-ari ng Spring Films kaya hindi imposibleng pagbigyan niya ang pangarap ng lead star niya.

Anyway, nakapag-taping na ang aktor ng Nina Nino bago siya pumirma ng ekslusibong kontrata sa Kapamilya network kung saan nakatakda niyang gawin ang Flower of Evil kasama ang bagong Kapamilya na si Lovi Poe handog ng Dreamscape Entertainment.

Tsuk!

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement