Connect with us

Concept News Central

Deployment ng OFW unti-unti nang umaangat

Published

on

Inihayag ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia na unti-unti nang nagbubukas muli ang ekonomiya ng ibang bansa kaya’t umaangat na rin ang deployment ng overseas Filipino workers (OFW) para sa iba’t-ibang trabaho.

“Dahil sa nangyaring pandemya last year kung saan bumaba ang ating deployment, ngayong taon 2021, unti-unti nang umaangat na ang ating pagpapadala ng mga OFW abroad dahil unti-unti na rin nagbubukas ang ekonomiya ng iba’t ibang traditional destination countries natin,” sabi ni Olalia.

Paliwanag niya, isa umano sa mga in demand na trabaho ay ang para sa healthcare workers kung saan naidedeploy sila sa Europa, America at ASEAN regions.

“Maliban po sa HCWs nandyan din po, nagbukas ang Europe. Meron po silang tinatawag ngayon for example sa Germany, yung new skilled workers na kung saan tatanggap sila ng professionals natin like accountants, engineers. May bago silang ipinasang batas doon. Ayon sa batas nila, tatanggap sila ng workers kahit na ang mga workers na ito ay galing sa non-EU countries tulad ng Pilipinas,” ani Olalia.

Mas nais umano ng mga employer ang manggagawang Pilipino kaya’t nakikipagpulong ang mga ito sa POEA at sa Labor Attache para agad na maumpisahan ang government o private track sa deployment ng skilled workers sa Germany.

Bukas dina ng ibang bansa sa Europe tulad ng Czech Republic at Poland kung saan nangangailangan sila ng mga factory worker.

“Maraming job orders available kaya lang kailangang maging mapanuri po tayo. Suriin natin ang mga employment contracts na kanilang inoffer kasi dyan sa Poland, maraming employers dyan na outsourcing kung tawagin, sila po yung nagaahente. Hindi po sila yung direct employers. Hindi po natin pinapayagan yun kasi may posibilidad po na yung OFWs natin magtatrabaho sa Poland as factory workers, pag outsourcing yan ay male-layoff. Ang gusto natin may security of tenure ang ating mga OFW patungo ng mga bansang yang,” sabi ni Olalia.

May available na trabaho din para sa mga construction workers sa bansang Guam at Middle East countries at farm workers din sa UK at Poland.

“Ang deployment po ay dalawa. Either kayo ay aalis as an agency hired, ibig sabihin may local ageny dito sa ating bansa, o kaya kayo ay aalis bilang isang government hired, ibig sabihin meron tayong bilateral labor agreement,” dagdag niya.

Muli namang nagpaalala ang POEA sa mga nagnanais na makapagtrabaho sa labas ng bansa na huwag basta-basta kakagat sa mga alok na galing sa social media.

“Sa FB pages may mga announcement ng job opportunities sa abroad at hindi nyo malalaman kung ito ay lehitimo o hindi hanggat hindi po ninyo bine-verify sa aming official POEA website,” sabi pa niya.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement