Connect with us

Concept News Central

BIGYAN NG CABINET POST IYAN!

Published

on

Inihayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Biyernes na handa niyang paunlakan at bigyan ng posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung papalarin siyang manalo bilang presidente sa 2022 national elections.

Sa isang panayam, sinabi ni Domagoso na bibigyan niya ng puwesto sa Gabinete ang Pangulo dahil iginagalang pa rin niya si Duterte.

“I can, I can give him a Cabinet post,” sabi ni Domagoso. “I know the meaning of respect.”

Nito lamang ay nagdeklara na si Domagoso na tatakbo siya bilang presidente at katandem niya si Dr. Willie Ong.

Sinabi ni Domagoso na lagi siyang handang makipagkasundo sa kaniyang mga nakatutunggali sa pulitika gaya nang nanalo siyang alkalde ng Maynila noong 2019.

“Why is that when you run, you have to be [allied with the] administration or opposition? Dilaw ka o pula ka I really don’t care, as long as you’re an asset of the country. Even though you didn’t vote po me, I will hire you,” sabi ni Domagoso.

“I did that in Manila, I placed people of opposing sides in the same department, and look what it brought us: economic growth from P20 billion to P30 billion a year, investment at P123 billion in the first year, P147 billion the 2nd year,” dagdag niya.

Bago naging alkalde si Domagoso, nagsilbi siyang chairman ng North Luzon Railways Corp. (Northrail) at undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa administrasyon ni Duterte.

Nakatakda namang tumakbong bise presidente sa 2022 si Duterte sa ilalim ng PDP Laban.

Samantala, sinabi ni Moreno na pabor siya na isapubliko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno.

“SALN is a public document, it’s there,” sabi ni Domagoso. “Everyone down the line dapat ipakita sa publiko… ‘yun ang sinabi ng batas.”

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement