Connect with us

Concept News Central

2 nawawalang negosyante natagpuang patay sa Laguna

Published

on

Patay na nang matagpuan kahapon ang dalawang negosyante ilang araw matapos na maiulat na nawawala ang mga ito sa Calamba, Laguna.

Sa ulat ng Calamba City Police, isang concerned citizen ang nag- report sa himpilan ng pulisya hinggil sa natagpuan nilang isang puting Mercedez Benz Van na inabandona sa bakanteng lote sa Barangay Banlic, Calamba ng nasabing lalawigan.

Sa loob ng sasakyan ay natagpuan ang dalawang biktima na pawang may mga nakatalukbong ng kumot sa kanilang mga ulo at karton na pawang punong-puno ng dugo.

Kalaunan ay kinilala ang dalawang biktimang sina Arman Nikko Bautista 32, at April Rhon Reyes, 21, pawang mga online seller ng motorcycle accessories na silang mga nauna nang naiulat na nawawala.

Sa pagsisiyasat ay nakitaan ng mga tama ng bala sa kani-kanilang mga katawan ang mga ito.

Base sa imbestigasyon ay ika-21 ng Setyembre nang umalis ang mga biktima para umano makipagtagpo sa kanilang supplier sa isang gasolinahan sa Brgy. San Cristobal ng nasabing lugar at mula noon ay hindi na nakauwi pa.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa rin ang isinagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.

Patuloy pa rin na inaalam ang posibleng motibo sa nangyaring krimen at kung sino ang nasa likod nito.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement