Connect with us

Concept News Central

4 bugaw kalaboso sa Cebu

Published

on

Arestado ang isang Iranian national at tatlo pang suspek sa pambubugaw habang pitong kababaihan naman ang nailigtas ng mga awtoridad sa Lungsod ng Cebu kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Col. Ireneo Dalogdog, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group in Central Visayas (CIDG-7), nakatanggap ng impormasyon ang kanilang groupo hinggil sa nagaganap na human trafficking sa isang mall.

Agad namang nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad sa isang mall sa Mandaue City at tuluyan na ngang naaresto ang mga suspek na pawang nag-aabang sa kanilang parokyano na hindi na rin pinangalanan ng mga awtoridad habang umuusad pa ang imbestigasyon.

Nasagip din ang pitong kababaihan na babayaran sana umano ng halagang P1,000 sa pagdalo nito at nasa P6,000 hanggang P7,000.00 kung makikipagtalik sa kanilang parokyano.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement