Connect with us

Concept News Central

1 patay sa salpukan ng motor, SUV

Published

on

cadaver

Patay ang isang babaeng lulan ng kanyang motorsiklo matapos sumalpok sa isang Mitsubishi Adventure sa Lalawigan ng Isabela kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Sto. Tomas Police Station, naganap ang insidente sa isang Provincial Road sa Barangay Ballelleng, ng Sto. Tomas ng nasabing lalawigan.

Kasalukuyan umanong nagmomotor ang biktimang si Shiela-Ann Catagatan, 22, na residente ng Brgy. Ballelleng, Sto. Tomas, Isabela, nang bigla na lamang itong salpukin ng SUV na minamaneho ni Alberto Macaballug Quintana, 52, may-asawa, retired Army at residente naman ng Brgy. Poblacion, Sto. Tomas.

Sa lakas ng impact ay tumilapon pa ng ilang metro ang biktima dahilan upang magtamo ito ng matinding pinsala sa ulo at katawan na naging sanhi ng pagkasawi nito.

Matapos ang insidente ay nagtungo rin sa himpilan ng pulisya ang suspek at kusang isinuko ang sarili, kung saan ay napag-alaman ding nasa ilalim ito ng impluwensya ng alak nang maganap ang insidente.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kinakaharap ngayon ng retiradong sundalo.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement