Connect with us

Concept News Central

2 traffic enforcer sa Maynila, sinibak dahil sa pangongotong

Published

on

Sinibak ni Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos makuhaan ng video habang nangingikil sa isang motorista.

Ayon sa ulat, pinara ng dawalang enforcer ang isang trak sa kahabaan ng Laong-Laan st., Sampaloc, Maynila noong isang linggo.

Nakuhaan ng isang netizen ang nangyaring pangongotong.

“Tinanggal na … ‘yung dalawang kotong enforcers para di pamarisan. As you all know, our policy is one-strike policy, nothing more nothing less.  There are no second chances,” sabi ni Moreno.

“Pahinga muna sila. Pagdating sa ganitong uri ng gawain, one-strike policy talaga tayo. Wala akong tolerance sa kotongero,” dagdag ni Moreno.

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement