Latest
7 sugatan sa pagsabog ng vintage bomb sa Capas
Published
8 months agoon
By
John Roson
Sugatan ang pito katao matapos na sumabog ang isang vintage bomb sa Barangay Sta. Juliana, Capas, Tarlac Sabado ng hapon.
Kinilala ng Capas Municipal Police Station ang mga biktima na sina James Laxamana, 30; Nigel Laxamana, 10; Jackilyn Laxamana, 30; Marilou Laxamana, 50; Jerson Laxaman, 11; Arleen Salazar, 24; at Donna Torio, 53, na pawang residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat, natagpuan ni Laxamana ang vintage bomb sa Crow Valley at dinala sa kanilang bahay.
Tinangka ni Laxamana na paghiwa-hiwalayin ang vintage bomb, gamit ang isang martilyo, kasama ang kanyang anak na si Nigel nang bigla itong sumabog.
Kapwa sugatan sina James at Nigel, na dinala sa Ospital Ning Capas.
Nadamay din ang limang iba pang biktima na nasa bisinidad at dinala saTarlac Provincial Hospital.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad.
LIKE US ON FACEBOOK

SSS clarifies net loss shown in unaudited FS for 2021

Amber Heard says trial is ‘torture,’ wants to ‘move on’

Duterte OKs ‘Timbangan ng Bayan’ centers

Twitter defends anti-bot efforts, Musk replies with poo emoji

Frontal system to bring rains in Northern Luzon

Dagdag-honoraria, aprubado na!

Bea Alonzo, game sa John Lloyd reunion

Mavericks, Celtics advance

Chie Filomeno, may scandal?

Karagdagang benepisyo sa mga kawani, iiwan ni Rody

‘Help solve society’s ills’

Top House post in bag

P1B Covid-19 aid released

Magnanimous Sara offers unifying hand

Wage earners get P33 daily relief

U.S. teen kills nearly a dozen

Obiena leads gold rush

Rally behind BBM-Sara — Go

Yulo, Wong carry day at SEAG
