Concept News Central
Active cases sa Cavite, umakyat sa higit 10K
Published
9 months agoon

Sinabi ng Department of Health (DoH) na patuloy pa rin ang pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) cases na naitatala sa Cavite at posible na rin umanong may community transmission na nang mas nakahahawang Delta variant sa Calabarzon.
Ayon sa DoH ngayong Lunes, umabot na sa 10,114 ang bilang ng mga aktibong kaso sa lalawigan habang nananatiling “high risk” o nasa 75.1 porsyento ng mga kama sa mga pagamutan ang okupado.
Sa hiwalay na tala ng Provincial Health Office, nangunguna ang Bacoor City sa mga may pinakaraming aktibong kaso na higit 2,000. Sinundan ito ng Dasmariñas City at Bacoor City na may higit 1,000 aktibong kaso, at Silang at General Trias City na higit 800 ang mga aktibong kaso.
Sa Silang, ini-lockdown ang ilang purok sa Barangay Ulat kung saan nakita ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 matapos ma-detect sa isang residente doon ang Delta variant.
Pinatututukan ni Silang Mayor Corie Poblete ang mass testing at pagbabakuna sa naturang barangay.
“Patuloy ko pong pinapakausap na mag-ingat at huwag po tayong mag-panic dahil agaran po natin itong inaaksiyunan. Panatilihin ang pagsusuot ng face shield, facemask at magkaroon social distancing upang hindi na kumalat ang sakit,” ani Poblete.
Sa Imus City naman, tinututukan na ang pagbabakuna sa A4 priority group o economic frontliners, kung saan 250 tricycle driver ang target mabakunahan araw-araw.
“Sa kanilang araw-araw na pamamasada ay hindi maikakaila na sila’y talagang exposed sa COVID-19. Kaya’t bilang suporta sa kanilang sektor at sa ligtas na pagbawi ng ating lokal na ekonomiya, mayroon tayong nakalaan na bakuna para sa kanila kasama ang iba pang economic frontliners,” saad ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi.
LIKE US ON FACEBOOK

TikTok lets creators charge monthly subscriptions

Djokovic ‘intends to go to Wimbledon’ in ‘lose-lose’ situation

Southwest monsoon to bring rains in Luzon

Duterte wants Bongbong to pursue nuclear energy

13 countries join new trade bloc

TRAHEDYA SA DAGAT!

China province testing 100M for coronavirus every 2 days

Iran seeks revenge over colonel’s slay

UN accuses DRC militia of attacking peacekeepers

Covid-free Pacific nations easing border restrictions

‘Our time,’ Robin tells Lacierda

Rodriguez accepts Li’l President post

Russia not winning through arms — Zelensky

Congress: Count follows sked

Weightlifting creates new heroine

Monkeypox not like Covid, cure at hand

AI shows way for smart banks

Mixed fuel prospects

BIR falls short of Q1 target
