Connect with us

Latest

41 katao, arestado sa birthday party sa Pasig City

Published

on

Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na 41 katao ang inaresto matapos na dumalo sa birthday party sa Royana Events Place sa Pasig City sa kabila nang umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Sa isang post sa kanyang Facebook Page, idinagdag ni Sotto na ipinasara na niya ang Royana Events Place na matatagpuan sa Axis Road, Brgy. Kalawaan matapos ang nangyaring party.

“Ang titigas ng ulo! Salamat sa ating kapulisan at pati sa concerned citizen na nag-report (hindi kita mula sa main road ang party),” sabi ni Sotto.

“Kung gusto nating bumalik sa mas normal na pamumuhay, sumunod po tayo sa health protocols. Tandaan– #ECQ pa ngayon. #BeatCovidTogether,” dagdag pa ni Sotto sa kanyang post.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement