Connect with us

Latest

Antipolo City, kinumpirma ang 2 kaso ng Delta variant

Published

on

KINUMPIRMA ngayong Miyerkules ng Antipolo City ang dalawang kaso ng Delta variant, kabilang ang isang senior citizen.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares na isang 57-anyos na babae at 70-anyos na lalaki ang nagpositibo sa Delta variant.

“They have both recovered from Covid-19 and are currently resting in their respective homes,” sabi ni Ynares.

“I remind everyone who is outside or inside the house, whether there is a Delta variant or not, always be careful and follow our health and safety protocols,” dagdag ni Ynares.

Kasabay nito, ipinag-utos ni Ynares ang pagpapatupad ng lockdown sa isang compound sa Martinez st., Barangay San Roque matapos na siyam ang kumpirmadong nagpositibo sa Covid-19.

Tatagal ang lockdown ng 14 na araw, na nagsimula noong 10 Agosto 2021.

Nauna nang inilagay sa granular lockdown ang Sitio Overlooking sa Barangay San Roque at dalawang establisyemento sa Barangay dela Paz.

“Just like the previous granular lockdown, residents at the said compound will undergo swab testing and will receive food packs from the local government,” dagdag ni Ynares.

Sa ngayon, nakapagtala na ang Antipolo ng 11,326 kumpirmadong kaso ng Covid-19, kabilang ang 250 mga nasawi at 10,889 nakarekober, samantalang 187 ang nananatiling aktibong kaso.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement