Concept News Central
Lolo, patay matapos atakihin sa puso sa vaccination site

Published
11 months agoon

Nasawi ang isang matandang lalaki matapos atakihin sa puso habang nakapila para magpabakuna laban sa COVID-19 sa isang vaccination site sa Bulacan.
Ayon sa ulat, pasado alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa isinasagawang bakunahan sa Malolos.
Sa kanyang salaysay, sinabi ng anak ng biktima na sinamahan niya ang ama para magpabakuna.
Idinagdag nito na wala pang alas-10 ng umaga ay nakapila na sila ng amang si Armando Balite, 64 ng Brgy. Panasahan, Malolos ng nasabing lalawigan.
Pagdating umano nila sa lugar ay agad silang hinanapan ng text message mula sa Resbakuna.
Sinabi pa ng anak na tinawagan sila ng barangay para sa iskedyul ni Balite isang araw bago sila magtungo sa vaccination site.
Nakipagtalo pa umano ang biktima sa isa sa mga nagpapalakad ng bakunahan dahil sa hindi maayos na sistema doon.
Mahigit tatlong oras na nakapila ang biktima nang hindi kumakain.
Nanikip ang dibdib ng matanda at tuluyan nang inatake sa puso.
Mabilis namang naisugod sa pinaka malapit na pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot sa ospital.
Sinubukan namang kunan ng pahayag ang lokal na pamahalaang nakasasakop sa lugar ngunit wala pa silang tugon hinggil sa insidente.
LIKE US ON FACEBOOK

BLACKPINK confirms August comeback and world tour

Oil rises after sell-off but euro stuck at 20-year low, equities drop

AirAsia Philippines ramps up operations in Malaysia

Gorgosaurus tipped to fetch $8-M at New York auction

Suspect in 4 July shooting an alienated youth with dark online persona

UP Diliman officials asked to probe alleged hazing in the university

New US study helps de-mystify Covid brain fog

ITCZ to bring rains in Phl

Nutrition Month ipinagdiriwang sa Navotas

Seized Russian assets for Ukraine rebuilding

One more time: Imelda at her prime (2)

SMC chief defends Airport City zone

Marcos meets DA officials

Marcos rolls up sleeves

Palace explains PBBM veto

Go sees bright future

DoTr seeks expansion of Libreng Sakay

Senators file priority bills

One more time, Imelda at her prime (3)
