Connect with us

Concept News Central

DoH, tutulong sa Comelec

Published

on

Inihayag ng Department of Health (DoH) na makikipagpulong ito sa Commission on Elections (Comelec) upang isaayos ang mga ipatutupad na health and safety protocols sa pagdaraos ng ligtas na halalan sa susunod na taon sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni DoH Secretary Francisco Duque na may direktiba na sa kanila ang Pangulong Rodrigo Duterte nitong linggo na kailangang tiyakin ang ligtas na halalan lalo’t hindi pa humuhupa ang COVID-19 pandemic.

Base sa mga pag-aaral, 46 porsyento lamang ng mga botante ang nagpahayag ng kahandaang bumoto kung patuloy na magiging mataas ang mga naitatalang novel coronavirus cases sa bansa.

“I don’t have the crystal ball to tell you how the COVID situation is gonna be come election year, but we will do our best to really mitigate the impact of the pandemic,” sabi ni Duque.

“We will meet with the Comelec en banc… and we have to meet with them and help them come up with safety protocols in the conduct of the campaign and the election proper itself,” dagdag niya.

Ayon pa sa DoH chief, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para mabawasan ang mas matinding epekto ng pandemya sa paparating na halalan sa Mayo 2022 at sisiguruhin nilang mahigpit ang gagawing implementasyon sa minimum public health safety measures kontra COVID-19.

Ayon pa sa opisyal, naghahanda na rin ang mga eksperto ng kagawaran para matiyak na magtutuloy ng maayos at ligtas ang kampanya ng mga kandidato at ang kabuuan ng halalan.

Nasa 60 million na ang registered voters sa Pilipinas, base sa datos na inilabas ng Comelec nitong July 12. Ayon kay Comelec Commissioner James Jimenez, nasa 4 na milyon dito ang newly-registered voters.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement