Connect with us

Latest

Guevarra: Karapatang pantao kinikilala ng administrasyon

Published

on

Iginiit ngayong Lunes ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nirerespeto ng administrayon ang karapatang pantao ng mga mamamayan.

Sa panayam sa PAMANA SONA 2021 SPECIAL COVERAGE, inamin ni Guevarra na hindi nabigyan ng kaukulang pansin ang isyu ng human rights sa bansa sa harap na rin ng iba pang prayoridad ng administrasyon.

Tiniyak naman ni Guevarra na sinimulan nang imbestigahan ang mga naunang drug operation kung saan may mga napaulat na nasawi.

Ayon pa kay Guevarra, lumagda ang Pilipinas kasama ang United Nations ng isang programa para isulong ang karapatang-pantao sa bansa na tatagal ng tatlong taon.

Nauna nang binatikos ng mga kritiko ang nangyayaring extra judicial killings sa bansa sa harap ng gera ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement