Concept News Central
Lalaki patay sa pananaga ng kainuman

Published
12 months agoon

Isang lalaki sa Pangasinan ang patay sa kamay mismo ng kanyang matalik na kaibigan matapos siyang pagtatagain nito dahil sa kalasingan noong Sabado ng madaling araw.
Ayon sa paunang ulat ng Mangaldan Police Station, pasado alas-3 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahay ng biktimang si Alfredo Cendana, 57, sa Barangay Guesang bayan ng Mangaldan ng nasabing lalawigan.
Bago ang insidente ay masaya pa umanong nakikipaginuman si Cendana bahay ng suspek na si Christopher De Leon, 56, sa nasabi ring lugar.
Nang magkalasingan na at maubos na ang kanilang iniinom ay gusto pa sana ng suspek na bumili pang muli ang alak ngunit hindi na pumayag ang biktima dahil sa gusto na rin umano nitong umuwi.
Doon na nagtalo ang dalawa hanggang sa magpangabot ang mga ito na agad rin namang naawat na sinundan ng pag-uwi ng biktima.
Lingid sa kaalaman ni Cendana, sinundan pala siya De Leon pauwi na armado ng itak at muli silang nagkainitan.
Nagpalitan nanaman ng maaanghang na salita ang dalawa hanggang sa bunutin na ng suspek ang kanyang itak at paulit -ulit na itinarak ito sa kaibigan.
Tila nahimasmasan naman umanong bigla ang suspek at nang makitang duguan nang nakahandusay ang biktima na nagtamo ng hindi bababa sa anim na tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ay nataranta ito sa paghingi ng saklolo.
Ngunit hindi na rin naman nagawang maisugod pa sa ospital ang biktima dahil wala na rin talaga itong buhay.
Agad din namang naaresto ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong pagpatay at kasalukuyan na ring nasa kustodiya ng nasabing himpilan.
LIKE US ON FACEBOOK

Marcos declares 9 July as regular holiday

New Covid outbreaks put millions under lockdown in China

Poe refiles bill on proposed SIM Registration Act

BLACKPINK confirms August comeback and world tour

Oil rises after sell-off but euro stuck at 20-year low, equities drop

AirAsia Philippines ramps up operations in Malaysia

Gorgosaurus tipped to fetch $8-M at New York auction

Suspect in 4 July shooting an alienated youth with dark online persona

UP Diliman officials asked to probe alleged hazing in the university

New US study helps de-mystify Covid brain fog

One more time: Imelda at her prime (2)

SMC chief defends Airport City zone

Marcos meets DA officials

Marcos rolls up sleeves

Palace explains PBBM veto

Go sees bright future

DoTr seeks expansion of Libreng Sakay

Senators file priority bills

One more time, Imelda at her prime (3)
