Connect with us

Concept News Central

Dabarkads kalaboso sa shabu

Published

on

Sa kulungan ang bagsak ng tatlong kalalakihan na magkakabarkada at sinasabing mga tulak ng droga matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Malabon Martes ng gabi.

Sa ulat ni Malabon City Police chief Albert Barot alas-11 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek sa kahabaan ng Macopa St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Target ng operasyon na masakote ang tatlong sina Raymark Bautista, 30, Fortunato Blanco, 30 at Jay-ar Urbano, 21, pawang mga residente ng nasabi ring lugar.

Mabilis na kumagat sa pain ng mga awtoridad ang tatlo at nakipagkasundo na makipagtagpo sa nagpanggap na buyer sa kanila ring lugar.

Nang magkapalitan na ng inorder na shabu at P500 na halaga ng buy-bust money ay doon na sinunggaban ng pulisya ang tatlo.

Nasamsam mula sa tatlo ang nasa 2.05 gramo ng shabu na may street value na P13,940 at buy bust money.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at inihahanda na ang mga kaso laban sa kanila.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement