Connect with us

Concept News Central

MILITARY PLANE, NAG-CRASH SA SULU!

Published

on

Inihayag ni Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na umabot na sa 29 ang patay habang nasa 40 naman ang sugatan nang bumagsak ang isang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa Sulu Linggo ng umaga.

Ang mga naiulat na nasawi at sugatan ay kabilang umano sa 92 pasahero ng C-130 aircraft ng PAF na may tail number na 5125 na bumagsak sa isang bahagi ng Patikul, Sulu.
Galing umano ang eroplano sa Villamor Airbase at nagtungo sa Laguindingan Airport bago dumeretso ng Sulu.

Ayon naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Cirilito Sobejana, hindi umabot sa runway ang eroplano kaya ito bumagsak at dagdag niya, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang rescue operation habang ginagaaot sa ospital ng Philippine Army 11th Infantry Division sa bayan ng Busbus ang mga nasugatan.

Samantala, sinabi ni-rule out naman ng AFP na isang pag-atake ang naging sanhi ng pagbagsak ng C-130 aircraft.

Ayon kay AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo, sinubukan pa umanong maka-recover ng eroplano bago ito bumagsak sa Barangay Bangkal.

“Initially, ang sinabi nagkaroon ng problema ang pag-approach sa paglapag. Nag-attempt na ma-recover subalit nawalan ng power. Ito ay initial na report very sketchy kaya hangga’t maaari we cannot provide details yet,” saad ni Arevalo.

“We are saying this, so far, to rule out sa mga itinatanong sa akin na mga kasamahan sa media, kung mayroon bang pag-atake na pagganap,” dagdag niya.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement