Connect with us

Concept News Central

6 na BIFF members, sumuko sa Maguindanao

Published

on

ZAMBOANGA CITY – Anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar, bitbit ang kanilang mga armas, kasunod ng pinaigting na operasyon ng gobyerno laban sa mga rebeldeng grupo sa Maguindanao.

Sa isang pahayag, sinabi ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WesMinCom) Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, na anim na miyembro ng BIFF ang sumuko sa headquarters ng 6th Infantry Battalion sa Sitio Landing Fish sa Barangay Buayan sa bayan ng Datu Piang nitong Lunes, Hunyo 28.

Isinuko rin ng mga hindi pinangalanang rebelde ang dalawang M16A1 rifle, isang M14, tatlong cal. 30 Garand, at mga magazines at bala ng M16 at M13.

Sinabi ni Col. Pedro Balisi, commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade, na ang pagsuko ng mga miyembro ng BIFF-Bungos faction ay pinangunahan ng militar at ng lokal na pamahalaan ni Datu Salibo Mayor Solaiman Sandigan.

Nanawagan naman si Joint Task Force (JTF)- Central Commander Maj. Gen. Juvymax Uy sa mga natitirang miyembro ng BIFF na sumuko na rin sa mga awtoridad, lalo na at hindi rin naman titigil ang militar sa pagtugis sa mga ito.

Simula Enero 2021, may kabuuang 145 miyembro ng BIFF ang na-neutralize ng JTF-Central, kung saan 100 ang napatay habang 25 ang sumuko.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement