Connect with us

Concept News Central

4 pinagdadampot sa Marikina buy-bust

Published

on

Apat na katao ang dinakma sa drug buy-bust operation na ikinasa sa Barangay Marikina Heights sa Marikina City, Huwebes ng gabi.

Bandang 6:00 ng gabi nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust sa No. 29 P. Valenzuela Street sa Brgy. Marikina Heights.

Arestado sina John Oswald Isagre, alyas “Jhon,” 29; Arnel Lipaña, alyas “Arnel,” 50; Jerome Castro, alyas “Jerome,” 24; at Mageline Bautista, alyas “Nini,” 24 anyos.

Nasamsam umano mula sa apat na suspek ang walong transparent plastic sachet na may apat na gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P27,200, isang itim na leather coin purse, P600 cash, at P500 marked money.

Nakapiit na ngayon ang mga suspek sa Marikina City Police Station custodial facility at kakasuhan ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement