Connect with us

Concept News Central

15 pamilya nasunugan, P60k ari-arian naabo sa Tondo

Pat C. Santos

Published

on

fire

Nasa 15 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang isang four-storey residential building sa Tondo, Maynila, Biyernes ng umaga.

Ayon kay F/Insp. Micabel Ignacio, ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), ang natupok na gusali na nasa Maria Payo ay pagmamay-ari ni Melencia Guiao.

Sinabi ni Ignacio na bandang 7:59 ng umaga nang magsimula ang sunog, na umabot sa ikalimang alarma at idineklarang fire out dakong 8:59 ng umaga.

Walang nasugatan sa insidente na tumupok sa P60,000 halaga ng ari-arian, ayon sa arson investigators.

Inaalam pa ng Manila BFP ang sanhi ng sunog, habang nagrasyon naman ang Manila Social Welfare Services ng pagkain sa mga nasunugan, na pansamantalang nakatuloy sa relocation sites.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement