Connect with us

Concept News Central

Drug suspect, patay nang ‘manlaban’

Published

on

Isang drug suspect ang namatay makaraang mauwi umano sa engkuwentro ang drug buy-bust operation ng pulisya sa Tarlac City, nitong Sabado.

Ayon sa report ni P/Col. Renante Corpuz Cabico, napatay ng mga operatiba ng Tarlac Police Provincial Office at ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Tarlac City Police ang suspek na si Ryan Conrad Dare y Gonzales, residente ng Sitio Landing, Barangay San Rafael sa siyudad.

Sinabi ng pulisya na ikinasa ang buy-bust sa Brgy. Cut-Cut 2 laban kay Dare pero nanlaban umano ito sa pag-aresto.

Nakumpiska umano mula kay Dare ang isang Yamaha Mio motorcycle (MV No. 03011104598), isang Samsung cell phone, isang .9mm caliber pistol na may tatlong bala, apat na basyo ng bala, at hindi tukoy na halaga ng marked money.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement