Connect with us

Concept News Central

DOJ: Health protocols, ipatupad sa vaccination sites

Published

on

Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) sa mga local government units (LGUs) na istriktong ipatupad ang physical distancing at iba pang health protocols sa mga vaccinations sites.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magkakaroon ng pananagutang administratibo ang mga opisyal ng LGUs at barangay, at kung sino mang in-charge sa vaccination activity, na mapatutunayang nagpabaya sa kanilang obligasyon sa istriktong pagpapatupad ng basic health protocols.

Ito ay kaugnay ng mga reklamo ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination centers kahit pa limitado lang ang bilang ng bakunang gagamitin.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement