Connect with us

Concept News Central

ALLOWANCES NG HEALTH WORKERS, CASH NA

Published

on

Inihayag ni Department of Health (DoH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado na ibibigay na nila ang mga allowances ng mga health workers “in cash” matapos umanong “ma-repurpose” ang mga ito sa iba pang coronavirus disease (COVID-19) responses.

Ayon kay Vergeire, nakakuha umano sila ng ulat noong Disyembre na hindi nagagamit ng mga ospital ang mga perang ibinaba para sa mga transportation, meal at accommodation allowances ng mga health workers.

Dagdag niya, hindi rin umano magamit ng mga ospital ang budget dahil umano sa mga probisyong nakasaad sa procurement at fund utilization, kung kaya nagpasya ang Health department na bawiin na lamang ang alokasyon.

“Ibabalik natin to the quick response fund,” sabi ni Vergeire.

Sinabi rin ng Health official na hindi na umano maaaring ma-hold ang mga allowances dahil malapit na namang matapos ang taon.

Diin pa ni Vergeire, noong naibalik ang mga allowances ay nagamit na ito ng DoH para sa mga COVID-19-related responses gaya nang pagbili ng mga test kits.

Ang Malakanyang naman, sinabing dapat i-monitize na ng DoH ang free accommodation at meals allowance na para sa mga healthcare workers.

“Gusto ko pong i-ensure at i-assure ang ating healthcare workers na ‘yun pong pera ay hinahanap natin at ibibigay po ito sa inyo, pera na po ang ibibigay sa inyo. Kaunting patience lang po,” saad ni Vergeire.

Kung matatandaan, sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na ang mga hazard pay at risk allowance para sa mga healthcare workers mula Enero hanggang Hunyo ay prinoproseso pa ng Department of Budget and Management.

Pero may ilang health workers pa rin ang nadidismaya dahil umano sa mababa at delayed na bayad sa kanila at dahil rin sa hindi pa umano nila natatanggap ang kanilang hazard pay mula Enero ngayong taon.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement