Connect with us

Concept News Central

Kim Chiu, may side effects sa COVID-19 vaccine

Avatar

Published

on

PROUD at masaya si Kim Chiu ngayong fully vaccinated na siya laban sa COVID-19.

Ipinost ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram nitong Huwebes, Hunyo 17, ang litrato niya matapos bakunahan ng second dose ng COVID-19 vaccine ng Sinovac.

Sa caption, inamin ni Kim na ipinagdasal niyang magkaroon ng bakuna dahil sobrang takot na takot daw siya sa bagong coronavirus noon pang nakaraang taon, kaya naman nagpalakas siya ng kanyang immune system para maprotektahan ang sarili.

“I have prayed for this to come! Seeing the COVID-19 videos last year scared me, so many ‘what ifs’ on my mind.

“But today, I am happy that I am #FullyVaccinated protection from major illness and to protect my friends, family, loved ones, and the people around me,” sulat ni Kim sa caption.

Kasabay ng paghikayat sa kanyang 10.3 million followers na magpabakuna na rin laban sa COVID-19, ibinunyag ni Kim na mayroong side effects sa kanya ang bakuna at tumagal daw ito ng limang araw.
“The side effect for me is I am just always hungry for five days, 5-6 meals instead of 2 meals a day, then that’s it,” ani Kim.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement