Connect with us

Latest

Indigent residents babakunahan din sa Caloocan

Avatar

Published

on

Ang mga mahihirap o mga indigent residents sa Caloocan City ay mababakunahan din laban sa coronavirus disease simula ngayong araw, Hunyo 16, Miyerkules, ito ang inihayag ng lokal na pamahalaan kahapon ng gabi.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan, ang kategorya na A5 o mahihirap na mga residente ay maaari na ring sumali sa kategorya ng A1, A2, A3, at A5 sa pagtanggap ng Covid-19 vaccines.

Sa North Caloocan, 500 ang slots na magagamit sa Caloocan City North Medical Center; 2,000 sa Caloocan City Sports Complex; at 300 slots sa Metro Plaza Quirino.

Sa South Caloocan, 500 slots bawat isa ang magagamit sa Caloocan Central Elementary School at Caloocan City Medical Center, at 1,000 slot sa SM Sangandaan Cinema Complex.

Dati na ring sinabi ni Malapitan na ang mga kasama sa populasyon ng indigent ay dapat magdala ng kanilang 4Ps ID, valid ID o cedula at huwag kakalimutan ang face mask, face shileds at magdala rin ng sariling ballpen.

Pinayuhan din ni Oca na ang profiling at pre-registration ay maaari ding sa barangay health center o bisitahin ang profiling link na: bit.ly/profilingcalv2.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement