Connect with us

Latest

Barangay Captain patay sa pagsabog

Avatar

Published

on

Patay ang isang kapitan ng barangay matapos na may maganap na pagsabog sa kanyang bahay sa Lalawigan ng Masbate kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Masbate Provincial Police ay ganap na alas 1:15 ng hapon nang maganap ang pagsabog sa bahay ni Barangay Captain Lina Recto sa Brgy Pajo, Balud ng nasabing lalawigan.

Napuruhan at nasawi si Recto habang malubhang sugatan ang tatlo pang sina Mac dela Cruz, Aiza Cece at Ronelyn Bulala na agad ding naisugod sa Balud Municipal Hospital at kasalukuyang inoobserbahan ang mga kalagayan.

Nasa pito pang residente ang nagtamo ng mga minor injuries matapos na matalsikan ng maliliit na bato kabilang ang dalawang bata.

Dahil din sa lakas ng naganap na pagsabog ay gumuho ang bahay at ilang mga pader na lamang ang naiwang nakatayo na napatukod sa ilang mga punong nakapalibot sa bahay.

Ayon sa mga awtoridad ay isa umanong dinamita ang ginamit na pampasabog, sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement