Latest
Ombudsman pinapasampahan na ng kaso ang mga pulis sa sangkot sa pagpatay sa isang mag-ama sa Caloocan noong 2016

Published
1 year agoon

Inatasan na ng Ombudsman ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga pulis sa naganap sa pagpatay sa isang mag-ama sa Lungsod ng Caloocan noon pang taong 2016.
Kinumpirma ng Office of the Ombudsman ang naunang desisyon sa paghahanap ng probable cause upang magsampa ng kasong homicide laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa mag-ama sa loob mismo ng kanilang bahay.
Noong Enero, 2020 ay ibinasura ng Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices (MOLEO) ang mga mosyon para sa muling rekonsiderasyon ng parehong mga respondents at complainant sa isang ruling na inirekomenda na magsampa ng kasong pagpatay laban sa apat na pulis na sangkot sa insidente.
Nanindigan ang Ombudsman sa paghahanap ng probable cause upang maisampa ang kasong homicide laban sa mga ito dahil sa pagkamatay ng mag-amang sina Luis at Gabriel Bonifacio sa Caloocan noong Setyembre 2016.
Ayon sa pulisya ay nanlaban umano ang mag-ama kaya’t napilitan silang depensahan ang kanilang mga sarili na nauwi sa kamatayan ng mga ito.
Taliwas naman ito sa salaysay ng misis ni Luis na si Mary Ann Domingo, ayon sa kanya ay hatinggabi umano noon nang bigla na lamang umanong sumugod sa kanilang bahay ang mga pulis saka inutusan siya at tatlo pa nilang anak na lumabas ng kanilang bahay.
Mabilis namang nagmakaawa si Gabriel na huwag sasaktan ang kanyang ama ngunit maging siya ay hindi na rin pinalabas kasama ng kanyang ina, ilang sandali pa ay nakarinig na ng sunod -sunod na putok ng baril si Mary Ann at nang usiasain nito kung ano nang nangyayari sa loob ay doon na niya nakita ang duguan niyang mag-ama.
Nagsampa sa Ombudsman si Mary Ann ng kasong murder at robbery laban sa nasa 20 mga pulis bukod pa sa administrative cases, abuse of authority, conduct unbecoming of a public officer at grave misconduct.
LIKE US ON FACEBOOK

House allows full capacity for Marcos’ first SoNA

Notice To The Public

Marcos declares 9 July as regular holiday

New Covid outbreaks put millions under lockdown in China

Poe refiles bill on proposed SIM Registration Act

BLACKPINK confirms August comeback and world tour

Oil rises after sell-off but euro stuck at 20-year low, equities drop

AirAsia Philippines ramps up operations in Malaysia

Gorgosaurus tipped to fetch $8-M at New York auction

Suspect in 4 July shooting an alienated youth with dark online persona

One more time: Imelda at her prime (2)

SMC chief defends Airport City zone

Marcos meets DA officials

Marcos rolls up sleeves

Palace explains PBBM veto

Go sees bright future

DoTr seeks expansion of Libreng Sakay

Senators file priority bills

One more time, Imelda at her prime (3)
