Concept News Central
5 tiklo sa Marikina buy-busts

Published
1 year agoon
By
Neil Alcober
Limang drug suspects ang pinagdadampot sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Marikina City, nitong Lunes ng hapon, Hunyo 14.
Ayon kay Marikina City Police Chief P/Col. Benliner Capili, kapwa kabilang sa top 10 drug personalities ng National Capital Police Region Office (NCRPO) sina Rodolfo Unarosa, alyas Rudy, 38; at Grace Joy Unarosa, alyas Joy, 41, na naaresto sa unang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Bonanza Street, Phase 1 sa Barangay Fortune, bandang 3:50 ng hapon.
Nakumpiska umano mula sa dalawang suspek ang 20 plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa 80 gramo at nagkakahalaga ng P544,000, P500 marked money, at ilang drug paraphernalia.
Dakong 5:50 ng hapon naman nang maaresto sina Jonathan Pulido, alyas “Totong,” 26; Marifel Estoque, alyas “Fel,” 24; at Aaron Jhon Guiyang, alyas “Bogie,” 21, sa isa pang buy-bust sa Block 24, Lot 2, Ampalaya Street, Brgy. Tumana, Marikina.
Ayon sa pulisya, nasamsam sa tatlong suspek ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu at dalawang plastic icebags na mayroon umanong 170 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,156,000, P7,000 marked money, P1,000 cash, isang digital weighing scale, at isang asul na pouch.
Nakapiit na ang limang suspek sa Marikina City Police at kakasuhan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).
LIKE US ON FACEBOOK

Carlos: PBBM to focus on food, health, energy concerns

Salmonella found in chocolate plant supplying industry giants

Akari hires Brazilian coach

PBBM presides over oath-taking of Cabinet officials

Lucy Torres: ‘Best is yet to come’ in Ormoc

Tulfo affirms support for OFWs, healthcare workers

Bongbong praises late father’s rule in inaugural address to nation

DOF economic bulletin on the current account in the balance-of-payments

Eala, pal make semis

Former Camarines Sur Rep. Nonoy Andaya dies at 53

Biden sends VP’s husband

BBM clears last obstacle at SC

Palace urges Senate: File raps vs agri smugglers

SEC orders closure of Rappler

Local groups reset WPS bid

Security forces secure Metro Manila

MM still under Alert Level 1

Bongbong’s time to shine

Marcos’ face-to-face SoNA mulled
