Connect with us

Concept News Central

P2.4-M ‘shabu’ kumpiskado sa empleyado

Published

on

Dinakma ng mga pulis ang isang call center agent makaraang masamsaman umano ng aabot sa P2.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, madaling-araw ngayong Linggo.

Ayon kay Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) Director Police Col. Jaime Santos, nagsanib-puwersa ang Cabanatuan City Police at Sto. Domingo Municipal Police sa pagdakip kay Sheryl Santos y Ison, 43, dalaga, call center agent, at residente ng Castro Street, Barangay Hulo, Sto. Domingo, sa buy-bust na ikinasa sa Batisan St., Brgy. Aduas Norte, Cabanatuan City.

Sinabi ng pulisya na nakumpiska umano nila mula kay Santos ang tatlong supot ng hinihinalang shabu, 11 heat-sealed transparent plastic sachet ng umano’y shabu, na may kabuuang timbang na 345 gramo at nagkakahalaga ng P2,346,000; dalawang P500 marked money, at dalawang digital weighing scales.

Kakasuhan si Santos ng paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165), ayon sa pulisya.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement