Concept News Central
Anti-crime team member, 3 pa, huli sa buy-bust

Published
1 year agoon

Apat na katao, kabilang ang isang force multiplier, ang pinagdadampot ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa isang umano’y drug den sa San Jose del Monte City sa Bulacan, Linggo ng madaling-araw.
Batay sa report ng San Jose del Monte City Police, pasado 3:00 ng umaga nang ikasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang operasyon sa isang bahay na nagsisilbi rin umanong drug den sa Barangay Minuyan Proper sa siyudad.
Target ng buy-bust si Danilo Briones, 57, may asawa, force multiplier, at nakatira sa pinaniniwalaang drug den.
Nakipagkasundo umano si Briones na gawin ang drug transaction sa bahay nito, at nang makabili ang pulis na poseur buyer ng P500 halaga ng hinihinalang shabu mula sa suspek ay kaagad na inaresto ito.
Dinakma rin ng mga awtoridad ang tatlo pang lalaki, na umano’y naaktuhang bumabatak sa loob ng bahay ni Briones.
Ang mga ito ay sina Jhonard Briones, 29, anak ni Danilo; Rolly Briones, 36, pamangkin ni Danilo; at kaibigan ng pamilya na si Peter Gonzales, nasa hustong gulang.
Narekober umano ng pulisya mula sa bahay ang 12 sachet ng hinihinalang shabu, mga bukas nang transparent plastic sachet, P500 marked money, ilang drug paraphernalia, at mga ID ni Danilo, kabilang ang ID nito bilang force multiplier ng Anti-Crime and Community Emergency Response Team.
Nakapiit na ang apat na suspek sa himpilan ng San Jose del Monte City Police, at nakatakdang kasuhan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).
LIKE US ON FACEBOOK

‘Mobilize UK army’

HANDA NA PARA SA BBM INAUGURAL

Ilang kalsada sa Caloocan isasara

Banta ng ASF, bumaba na

War ends if Ukraine surrender — Kremlin

Finland, Sweden bag NATO membership

Djokovic, Murray eye Wimbledon third round

Salubungin ang ika-17 pangulo ng Phl

Kelly Day, may buwelta sa basher

Kylie Verzosa, nakakuha ng wedding proposal

Biden sends VP’s husband

BBM clears last obstacle at SC

Palace urges Senate: File raps vs agri smugglers

SEC orders closure of Rappler

Local groups reset WPS bid

Security forces secure Metro Manila

MM still under Alert Level 1

Marcos’ face-to-face SoNA mulled

Solo parents get more benefits
