Connect with us

Concept News Central

Para kay Liza Soberano, ‘di baduy ang gawang Pinoy

TDT

Published

on

PARA kay Liza Soberano, mali ang impresyon ng marami na “baduy” ang mga pelikulang gawang Pinoy, o ang mga foreign series o movies na gumagamit ng wikang Filipino.

Sinabi ito ni Liza bilang siya ang voice actress ni Alexandra Trese, ang bidang karakter sa Trese, na kauna-unahang Netflix Original Filipino animation series na nag-premiere kahapon, Hunyo 11.
Sa six-part series tungkol sa Filipino folklore at tinatampukan ng iba’t ibang Pinoy mythological creatures na nakasalamuha ni Alexandra Trese, Filipino ang pagkaka-dub ni Liza sa mga linya ng ginampanan niyang karakter.

“I have this friend, I worked with her in Make It With You and she’s a voice over actress, too, and she talks a lot about how people like to judge whenever there’s a Philippine adaptation or whenever there’s a Filipino-dubbed version of, let’s say a K-drama or something, people automatically say, ‘Ay, baduy ‘yan!’

“Even, for example, like the movies that I make, just because it’s Filipino, it’s made in the Philippines, proudly Pinoy and everything, people are like, ‘Ah, baduy ‘yan.’ Because the newer generations, they look up to foreign or western movies so much and music,” kuwento ni Liza sa virtual chat niya sa kanyang network, ang ABS-CBN.

Sinabi ng Filipino-American actress na totoong mahusay ang western movies at western music, pero mali raw, lalo na bilang Pilipino, na tayo mismo ang mababa ang tingin sa sarili nating produksiyon at sariling wika.

“Just because we come up with a Philippine adaptation or we dub certain programs or series or movies, it doesn’t mean it’s baduy. Maybe the way that it’s delivered, they don’t necessarily, like, compared to the original, but it doesn’t make it baduy just because it’s Pinoy,” paliwanag ni Liza.

Nalulungkot daw ang Kapamilya actress na maraming Pilipino ang mababa ang tingin sa anumang gawang Pinoy dahil para sa kanila ay mas “cool” ang mga dayuhang pelikula at serye.

“I feel like some people have that misconception just because they want to be cool. You know what’s cool? Being proud about your heritage and supporting local and supporting the artists here in the Philippines because we have the opportunity and we have the potential to make it big on a global platform,” sabi ni Liza.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement