Connect with us

Concept News Central

‘Tulak’ nanlaban sa buy-bust, natodas

Published

on

cadaver

Isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang napatay nang manlaban umano sa buy-bust operation ng pulisya sa Zaragoza, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 10.

Ayon sa report ng Zaragoza Municipal Police, nagsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa Barangay Sta. Lucia laban sa suspek na si Al Taberna y Bulandoz, 43, residente ng Brgy. Balaring, General Natividad.

Nasa aktong aarestuhin ng mga pulis si Taberna nang paputukan umano niya ang mga pulis, na kaagad nakaganti sa kanya hanggang sa mapatay siya ng mga ito.

Nakumpiska umano ng pulisya mula kay Taberna ang isang .357 caliber gun, ilang fired cartridges, mga bala, at 16 na heat-sealed transparent plastic sachet na may 0.20 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P10,000.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement