Connect with us

Concept News Central

Kapitan dumalo sa kasalan, kakasuhan

Aldwin Quitasol

Published

on

Kakasuhan ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases ang kapitan ng Barangay San Mariano sa bayan ng Santa Marcela, Apayao dahil sa pagpapahintulot sa isang kasalan, na dinaluhan pa umano nito.

Ang kapitan ay si Bobby Daquioag, 52 anyos.

Ayon sa Santa Marcela Municipal Police, nakatanggap sila ng tawag mula kay Santa Marcela Mayor Evelyn Martinez kaugnay ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act (Republic Act 11332) sa lugar ni Daquioag.

Paksa ng tawag ang idinaos daw na kasalan sa Brgy. San Mariano noong Mayo 28, 2021.

Sinabi ng pulisya na nagpadala sa kanila si Mayor Martinez ng ilang litrato, kung saan makikita ang mga taong dumalo sa kasalan na hindi umano sumusunod sa basic health protocols.

Ang isa umano sa mga dumalo sa kasalan ay mismong si Daquioag, ayon sa pulisya.

Nilinaw ni Mayor Martinez na hindi siya nag-isyu ng anumang clearance para pahintulutan ang nabanggit na kasalan, lalo na dahil ang buong Apayao ay nasa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Mariing ipinagbabawal ang anumang mass gathering, alinsunod sa MECQ guidelines.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement