Connect with us

Concept News Central

30% kapasidad ng gym, fitness studio, skating rinks, iba pa pinayagan na ng IATF

TDT

Published

on

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng mga indoor non-contact sports venues na may Safety Seal Certifications kagaya ng gym, fitness studio, skating rink, at racket sports courts sa National Capital Region (NCR) Plus.

Idinagdag ni Roque na sa inaprubahang resolusyon noong Huwebes, 30 porsiyento kapasidad ang pinayagan ng IATF.

Ayon pa kay Roque, maaari na rin ang 20 porsiyentong kapasidad na operasyon ng mga historical site at museum na nasa bubble.

Iginiit naman ni Roque na bawal pa rin ang mga guided tours sa mga historical site at museo.

 

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement