Connect with us

Concept News Central

‘WIN-WIN’ COOPERATION, KAILANGAN

Published

on

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nangangailangan ng isang tinatawag na “win-win cooperation” sa pagitan ng Pilipinas at ng China upang magkaroon ng malawakang kapayapaan, progreso at kasaganaan sa dalawang bansa.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na 46th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at China, sinabi ng Pangulo na ang selebrasyon ay gumugunita sa malalim na pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Tsino.

Ang pahayag ni Duterte ay kasunod nang pagpapatuloy na agawan sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.

“It is a bond that predates, by centuries, the formal establishment of diplomatic relations 46 years ago,” sabi pa ng Pangulo sa isang taped message na ipinalabas sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII).

“As we approach the 50th anniversary of Philippines-China ties, win-win cooperation will ensure that our relations remain a partnership for greater peace, progress, and prosperity,” dagdag niya.

Kung matatandaan, ang relasyon ng Pilipinas at China ay muling nagningas nang manalo bilang Pangulo si Duterte, kung saan nagkaroon ng mga investments at loans ang Pilipinas upang makatulong sa mga proyekto ng pamahalaan.

Subalit sa kabila nito, nagkaroon pa rin tensyon sa pagitan ng dalawang bansa nitong Marso matapos ang pagkalat nang may nasa 200 na Chinese ships sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa isang naunang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi niyang walang nawalang teritoryo ang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.

“Iyong kaniyang polisiya na isantabi ang hindi mapagkasunduan, isulong ang pupuwedeng pagkasunduan. Iyan po ay epektibo sa pangangalaga sa integridad ng ating national territory,” saad ni Roque.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement